A PHP Error was encountered

Severity: Warning

Message: strpos(): Empty needle

Filename: structure_entries/pi.structure_entries.php

Line Number: 483

Bermuda National Gallery | Maligayang Pagbati mula sa BNG (Tagalog)

Bermuda National Gallery

  1. BNG
    City Hall & Arts Centre
    17 Church Street
    Hamilton, Bermuda

Exhibition

Maligayang Pagbati mula sa BNG (Tagalog)

 Bermuda Biennial 2014: A View from the Edge
 
Maligayang Pagbati mula sa BNG
 
Malugod namin kayong inaanyayahan sa ika-11 na edisyon ng pagtatanghal na ito.  Ikinasisiya po namin sa muling pagkakataon ang pagtangkilik ng Bacardi Limited na itaguyod  ang  kahalagahan ng pag-unlad ng Sining sa Bermuda.
 
Hangad ng Bermuda National Gallery na maglingkod sa ating pamayanan sa pamamagitan ng pagbibigay-halaga sa ating mga nalikom na eksibisyon.
 
Ang  pagtatanghal na ito ay kakaiba at mahalaga sapagkat   ito ay nagpapakita ng makabago at modernong pamaraan ng paglikha ng sining, na nag-uugat sa imahinasyong mapag eksperimento ng may likha.  Sinuri din ng museo ang pagkakataon upang magkaroon ng pagkakaiba-iba ang bawat pagtatanghal. 
 
Ang pagtatanghal na ito, na tinaguriang Bermuda Biennial, ay makakatulong na makilala ang Bermuda sa buong mundo sa larangan ng Sining. Bilang isang bagong kasapi ng International Biennial Association (IBA), kami ay matatagpuan sa IBA website na www.biennialfoundation.org.
 
Bago rin para sa taong ito ang pagpapakilala sa isang tema, “A view from the Edge”, na nagsilbing pundasyon ng pagtatanghal na ito.
 
Nagpapasalamat din tayo sa Korporasyon ng Hamilton sa pagbibigay ng karagdagang lugar ng pagtatanghal sa City Hall. Ang BNG East, sa Bridge House, St. George ay magiging tahanan din ng ilang bahagi ng Bermuda Biennial.
 
Ating malugod na pinupuri ang pagiging malikhain ng ating mga manlilikha dahil sa kanilang makabagong pagpapahayag sa larangan ng sining. 
 
Sa taong ito, ang mga batikang Hurado na sina Isolde Brielmaier at Amanda Coulson ang nagdala ng mahabang panahon ng pandaigdigang karanasan. Si Bb. Brielmaier ay isang  tagapangasiwa ng museo, manunulat, at isang consultant ng proyekto, at Propesor ng Tisch School of Arts sa NYU.
 
Si Bb. Amanda Coulson ay ang Executive Director ng National Gallery of Bahamas. Nagsimula ang kanyang pagiging Kritiko sa iba’t ibang  Galerya ng Sining sa New York, Paris at London.
 
Samahan nyo pa  kami sa pagtuklas ng “A View From the Edge”.  
 
Gary L. Phillips, Chairman
Lisa Howie, Executive Director
Sophie Cressall, Curator

  1. HOME
  2. Exhibitions & Events
  3. News

Copyright © 2014 BNG. All rights reserved.

Site Developed by Maven 2.0